^

Probinsiya

P7-M cellsite ng Globe sinunog ng NPA

-
KAMPO SIMEON OLA, Legazpi City –Muli na namang naghasik ng karahasan ang mga rebeldeng New People’s Army makaraang sunugin ang P7-milyong cell site ng Globe sa Barangay Banuang Daan, Matinog, Sorsogon kamakalawa ng gabi.

Naitala ang panununog ng mga rebelde bandang alas-9:10 ng gabi matapos samantalahin na walang daloy ng kuryente ang buong lalawigan.

Aabot sa dalampung rebelde ang pumasok sa compound ng cell site na binabantayan ng dalawang security guard pero walang nagawa dahil sa takot na mapatay.

Matapos na isagawa ang pananabotahe ay hinatak ng mga rebelde ang dalawang guwardiya papalabas ng compound saka iniwan ng may 200 metro ang layo.

Bago tumakas ay tinangay pa ng mga rebelde ang baril ng dalawang sekyu kasama na ang kanilang cellphone.

Base sa ulat ng pulisya, ikalawang cell site na ng Globe ang sinasabotahe ng mga rebelde sa motibong hindi pagbibigay ng revolutionary tax ng may-ari sa makakaliwang kilusan.

Nairita naman ang mga residente at negosyante sa mga rebelde dahil sa naapektuhan ang kanilang negosyo dahil sa kawalan ng signal. (Ulat ni Ed Casulla)

vuukle comment

AABOT

BARANGAY BANUANG DAAN

ED CASULLA

LEGAZPI CITY

MATAPOS

MATINOG

MULI

NAIRITA

NEW PEOPLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with