2 negosyanteng Tsinoy sinaksak sa opisina ng piskal
May 29, 2003 | 12:00am
LUCENA CITY, Quezon Hindi na nagawang tapusin ang preliminary hearing sa opisina ng fiscal matapos na magwala at saksakin ng karibal sa negosyo ang dalawang negosyanteng Tsinoy na nagsampa ng kasong libelo kamakalawa ng hapon sa Barangay Isabang sa lungsod na ito.
Kinilala ni P/Supt. Danny Ramon E. Siongco, chief of police sa nasabing lungsod ang mga biktima na sina Conrado Tan Go, 60, ng 1st St. Pleasantville Subdivision, Brgy. Ilayang Iyam at Ngai Wong Sio, 49, ng Brgy. 6 habang ang suspek ay nakilala sa pangalang Vicente Mercado, 56, ng C.M. Recto St. ng nabanggit na lungsod.
Base sa imbestigasyon, dakong alas-2:30 ng hapon nang maganap ang insidente habang isinasagawa ang preliminary hearing sa tanggapan ni Prosecutor Lourdes Casco sa 2nd floor ng City Hall Annex Bldg. kaugnay ng isinampang kasong libelo ni Conrado laban sa suspek.
Nagulat ang lahat nang sa kalagitnaan ng pagdinig ay biglang tumayo si Vicente na armado ng dalawang kitchen knife at sinaksak sa lalamunan at braso si Sio.
Tinangkang awatin ni Conrado ang suspek subalit maging siya ay sinaksak nito sa leeg, hindi naman nagpabaya ang mga tao sa loob ng opisina ni Fiscal Casco at tulung-tulong na dinis-armahan ang suspek at dinala sa Lucena police station. (Ulat ni Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended