Kinilala ni P/Supt. Danny Ramon Sionco, hepe ng Lucena City Police ang mga suspek na sina Eulogio alyas Eloy at kapatid nitong si Eric Patulay.
Ang magkapatid na Patulay ay sinampahan ng kasong kriminal matapos ang mga itong positibong kilalanin ng ilang testigo sa pagpaslang kay Pobeda.
Ayon kay Sionco ang magkapatid na suspek ay nasakote kahapon ng umaga sa hangganan ng Brgy. del Carmen at Sta. Catalina, Pagbilao, Quezon at nasamsam rin sa pag-iingat ng mga ito ang isang cal. 45 pistol at isang 9 MM pistol.
Nabatid na dalawa pang suspek na magkapatid namang sina Domingo at Manolito de la Cruz na naunang nasakote ng mga awtoridad ang pinalaya dahilan sa kakulangan ng matibay na ebidensiya laban sa mga ito.
Lumilitaw sa imbestigasyon na ang magkapatid na Patulay ay kapwa close-in bodyguard ni Lucena City Councilor Romano Talaga, anak ni Lucena City Mayor Ramon Talaga, isa sa mga pinararatangang mastermind sa pagpaslang kay Pobeda.
Magugunita na si Pobeda ay nasawi matapos pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan habang patungo sa radio station na pinagtatrabahuhan nito sa Brgy. Cotta ng lungsod na ito noong Mayo 17. (Ulat nina Celine Tutor at Tony Sandoval)