Kasunod nito, nagbabala sa publiko ang mga awtoridad na suriing mabuti ang lahat ng P500 na kanilang hawak.
Sa pahayag ni Jose Jorge Corpuz, CIDG regional chief na ang kumakalat na pekeng P500 ay ipinagbibili sa halagang P200 ng mga miyembro ng sindikato.
Ayon sa PNP-CIDG, naunang nalambat ang labing-isa-katao kabilang na si Rolando Carandang na iniuugnay sa pagpapakalat ng P10-milyong pekeng pera sa Calasiao, Pangasinan, Tarlac at Metro Manila.
Noong nakalipas na linggo ay nakatanggap ng impormasyon ang CIDG na ang mga pekeng pera ay nililimbag sa Cebu City pero nang magtungo si Corpuz sa nasabing lungsod para kompirmahin ay walang nadiskubre.
Ayon pa kay Corpuz na ang pekeng P500 ay nagtataglay ng malambot na papel, walang gold strip kapag itinapat sa liwanag habang ang kulay berdeng tinta ay kalat. (Ulat ni Vic Alhambra, Jr.)