Biyudo pinatay ng sariling bayaw

GABALDON, Nueva Ecija – Isang 56-anyos na biyudo ang pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng sariling bayaw makaraang pangaralan ng biktima ang dalawang anak ng huli sa Barangay Tagumpay sa bayang ito kamakalawa ng gabi.

Ang biktimang si Marcos Andres, magsasaka ay nagtamo ng maraming saksak sa katawan, samantala, ang suspek na ngayon ay nasa likod ng rehas na bakal ay nakilalang si Armando Martin, Sr., 52; kapwa residente ng nabanggit na barangay.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, narinig ng suspek ang ginagawang pangangaral ng biktima sa dalawang anak kaya nairita ito at agad na isinagawa ang krimen. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

Show comments