2 patay, 19 grabe sa bus vs jeep
May 22, 2003 | 12:00am
ATIMONAN, Quezon Dalawang sibilyan ang iniulat na nasawi, samantala, labinsiyam pa ang malubhang nasugatan makaraang magsalpukan ang pampasaherong bus at jeep sa kahabaan ng Maharlika Highway na sakop ng Barangay Angeles sa bayang ito kamakalawa ng madaling-araw.
Kinilala ng pulisya ang dalawang namatay na sina Carlos Cabelis ng Quezon City at Jaime Villaluz, driver ng jeep at residente ng Labo, Camarines Norte.
Inoobserbahan naman sa Quezon Memorial Hospital sa Lucena City at Doña Marta Hospital sa Atimonan ang mga biktimang malubhang nasugatan sa aksidente.
Naitala ang aksidente bandang ala-1:15 ng madaling-araw sa pakurbadang kalsada sa naturang lugar.
Napag-alaman sa ulat ng pulisya, tinatahak ng jeep (EBF-477) ang kahabaan ng Maharlika Highway patungong Maynila nang makasalubong ang bus (NRT-537) na patungo naman sa Camarines Norte sa pakurbadang kalsada.
Dahil sa mabilis ang takbo ng dalawang sasakyan ay hindi na nakaiwas pa hanggang sa maganap ang aksidente. (Ulat nina Tony Sandoval at Celine Tutor)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 26 minutes ago
By Christian Ryan Sta. Ana | 26 minutes ago
By Ed Amoroso | 26 minutes ago
Recommended
November 4, 2024 - 12:00am
November 2, 2024 - 12:00am