^

Probinsiya

Utol ni Maganto, dakip sa shabu

-
STA. MARIA. Bulacan Apat-katao kabilang na ang kapatid na negosyante ni Gen. Romeo Maganto ang iniulat na dinakip ng pulisya ng Bulacan sa isinagawang buy-bust operation sa loob ng ospital sa Sitio Dulong-Bayan, Barangay Poblacion sa bayang ito kamakalawa ng hapon.

Nakumpiskahan ng 50.5 gramo ng shabu ang mga suspek na sina Rodolfo Maganto, 49, may asawa; live-in partner na si Graciana Araos, 29; Lita Crefaldio, 42, na pawang residente ng City of San Jose del Monte, Bulacan at Emelita Araos, 52, biyuda ng FVR Village, Norzagaray ng nasabing lalawigan.

Sa ulat ni SPO2 Ernesto Sta. Ana at PO3 Ricardo Ibera na isinumite kay P/Supt. Enrico Salapong, police chief ng naturang bayan, naitala ang pangyayari bandang alas-2 ng hapon sa St. Mary’s Hospital.

Ayon sa pulisya, nagtungo si Rodolfo sa nabanggit na ospital at nagpanggap na pasyente dahil sa kanyang modus operandi.

Lingid sa kaalaman ni Rodolfo ay nagpanggap na buyer ang isang pulis-Bulacan hanggang sa makumpiskahan ng 10 piraso ng sachet na naglalaman ng 50.5 gramo ng shabu at P90,000 marked money na ginamit sa buy-bust ng pulisya at walang piyansang inirekomenda. (Ulat ni Efren Alcantara)

vuukle comment

BARANGAY POBLACION

BULACAN

CITY OF SAN JOSE

EFREN ALCANTARA

EMELITA ARAOS

ENRICO SALAPONG

ERNESTO STA

GRACIANA ARAOS

LITA CREFALDIO

RICARDO IBERA

RODOLFO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with