MILF kumander, 13 pa sumuko sa militar
May 18, 2003 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Dahil sa matinding puwersang pinaiiral ng militar at patuloy na operasyon ay nagdesisyong sumuko ang isang kumander ng Moro Islamic Liberation Front at labintatlo pang kasama nito kamakalawa sa Barangay Tual, Pres. Quirino, Sultan Kudarat.
Kabilang sa sumuko ay nakilalang si Abdulaziz Mamadla, alyas Kumander Tropical ng 3rd Battalion, 103rd Brigade ng Bangsamoro Islamic Armed Forces.
Nakilala naman ang mga sumukong tauhan ni Mamadla na sina Monsor Sangkigay, Basit Umpra, Daton Kalim, Sangkigay Rusta, Kasa Imbok, Abdillah Marandog, Guimemn Agal, Samir Alon at ang magkakapatid na Omar, Togs, Misuari, Moen at Kamaru Mamadla.
Ayon kay Army spokesman Lt. Col. Joselito Kakilala, isinuko rin ng mga rebelde ang kanilang mga armas na ngayon ay nasa custody ng Armys 47th Infantry Battalion ng Phil. Army.
Naging dahilan din ng pagsuko ng mga rebelde ang malawakang demoralisasyon sa pamunuan ng Moro Islamic Liberation Front, bukod pa sa matinding pressure ng militar. (Ulat ni Joy Jantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest