Trader todas sa ambus

CAMP PANTALEON GARCIA, Cavite Isang negosyante ang iniulat na nasawi makaraang barilin ng dalawang hindi kilalang lalaki habang ang biktima ay naglalakad papauwi sa Barangay San Juan, General Trias, Cavite kamakalawa ng gabi. Wasak ang mukha ni Neil Salvani, 36, may asawa, may-ari ng electronic repair shop sa bayang ito at residente ng Area E, Barangay Emmanuel 1, Dasmariñas, Cavite.

Ayon kay SPO3 Fortunato Pedrasa, naitala ang krimen dakong alas-7:45 ng gabi at sinisilip ang anggulong kalaban sa negosyo ang nagsagawa ng pamamaslang. (Ulat ni Cristina G. Timbang)

Show comments