Kinidnap na opisyal ng gobyerno pinatay saka ibinaon
May 14, 2003 | 12:00am
Isang kinidnap na opisyal ng gobyerno ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan ang iniulat na pinatay saka inilibing sa plantasyon ng tubo sa Barangay Acler, Tuy, Batangas kahapon ng madaling-araw.
Positibo namang kinilala ng kanyang pamilya ang biktimang si Paul Lejano, hepe ng Municipal Agrarian Office na nakabase sa Nasugbu, Batangas.
Samantala, ang dalawang kidnaper na dinakip ng mga tauhan ng Police Anti-Crime and Emergency Response (PACER) ay nakilalang sina Armando Hernandez at Teddie Maranan habang patuloy ang follow-up operation laban sa natitirang mga suspek.
Base sa record, si Lejano ay dinukot noong Disyembre 20, 2002 sa Sitio Calero, Barangay Bungahan, Lian, Batangas bago dinala sa safehouse ng mga kidnaper.
Nakipagnegosasyon ang mga kidnaper sa pamilya ni Lejano kaya nakapagbayad ng P2-milyon ransom para lamang palayain ang biktima ngunit pinatay din.
May palatandaang pinahirapan muna ang biktima bago pinaslang at inilibing hanggang sa may nakapagbigay ng impormasyon sa pinaglibingan ng biktima at agad namang hinukay bandang alas -5 ng umaga. (Ulat nina Ed Amoroso, Joy Cantos at Arnell Ozaeta)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest