^

Probinsiya

Kampo ng MILF nakubkob ng militar

-
CAMP AGUINALDO – Matagumpay na nakubkob ng tropa ng militar ang isang kampo ng rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at naitaboy ang grupo ng mga rebelde ngunit nalagasan ng dalawa ang militar at siyam ang sugatan makalipas ang sagupaan sa dalawang barangay sa Munai, Lanao del Norte kamakalawa.

Batay sa ulat, bandang alas-11:45 ng umaga naganap ang engkuwentro habang nagsasagawa ng combat patrol ang mga elemento ng Army’s 58th Infantry Battalion sa Barangay Balintad at Barangay Panggao sa nasabing bayan.

Nabatid na habang sinusuyod ng mga sundalo ang lugar ay nakasagupa nila ang hindi pa mabilang na armadong MILF rebel habang umaaligid sa lugar.

Agad nagpalitan ng putok ang dalawang puwersa nang magpang-abot na tumagal ng mahigit isang oras ang engkuwentro.

Napilitang tumakas ang mga rebelde patungo sa iba’t ibang direksyon matapos na maramdaman nilang nadedehado na sila sa bakbakan.

Dahil dito, nagawang masakop ng mga sundalo ang satellite camp ng mga rebelde.

Nabatid na ang nasabing kampo ay binubuo ng 10 bunkers na may kalakip na foxholes, running trenches at isang defense outpost.

Agad pinasok ng mga sundalo ang kampo at narekober din nila ang mga bala ng M14 rifle at 40mm Howitzer kung saan nagsitakas ang mga rebeldeng MILF sa takot na masukol sa bakbakan.

Kasunod nito, pinasabog naman ng MILF ang tulay ng Dalama na nag-uugnay sa bayan ng Munai at Poblacion.

Ang pagpapasabog ng tulay ay ginawa upang pabagalin ang tropa ng militar na magtungo sa bayan ng Maigo, Kauswagan, Linamon at Balo-i. (Ulat nina Joy Cantos at Bong D. Fabe)

vuukle comment

BALO

BARANGAY BALINTAD

BARANGAY PANGGAO

BONG D

INFANTRY BATTALION

JOY CANTOS

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

MUNAI

NABATID

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with