4 sibilyan inambus, patay
May 12, 2003 | 12:00am
DAVAO CITY Apat na sibilyang dinakip ng pulisya bago pinalaya ang iniulat na inambus at napatay ng mga hindi kilalang lalaki habang ang mga biktima ay lulan ng pampasaherong jeep sa kahabaan ng national highway na sakop ng Kilometer 11 sa lungsod na ito noong Sabado ng umaga.
Ang mga biktimang inakalang mga kawatan ay nakilalang sina Atiar Sahiri, 25; Nasser Abas, 27; Hussein Abas, 25 at Christian Lapasi, 18 na pawang residente ng St. John Homes, Kilometer 12, Barangay Sasa.
Ayon sa pulisya, ang mga biktima ay inaresto bandang alas-12: 30 ng umaga noong Sabado dahil sa pagala-gala sa kahabaan ng Awad Bridge sa Kilometer 13, Barangay Panacan.
Matapos na beripikahin ang pagkatao ng mga biktima ay agad namang pinalaya sa Sasa police precinct bandang alas-4 ng hapon noon ding Sabado.
Base sa ulat ng pulisya, sumakay ng pampasaherong jeep ang mga biktima papauwi at habang bumabagtas sa naturang highway ay pinara ng tatlong hindi kilalang pasahero.
Ilang minuto pa lamang matapos sumakay ang tatlong hindi kilalang pasahero ay pinatutukan na ang mga biktima na ikinasawi agad, samantala, ilang pasahero ng jeep ay nasugatan kabilang na ang ilang vendor na dumaraan dahil sa tama ng ligaw na bala ng baril.
May teorya ang pulisya na sinundang makalabas ng presinto ang mga biktima bago itinumba. (Ulat ni Edith Regalado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest