Ebidensiya sa pagpatay sa 2 aktibista nadiskubre ng DOJ
May 11, 2003 | 12:00am
Nakakalap na ng ebidensya ang Department of Justice (DOJ) na magdidiin kay Col. Juanito Palparan at sa mga tauhan nito sa pagdukot at pagpaslang sa dalawang aktibista na sina Eden Marcellana at Eddie Gumanoy noong Abril sa Oriental Mindoro.
Lumalabas sa occular investigation na isinagawa ng Task Force Mindoro-DOJ sa pamumuno ni Justice Undersecretary Jose Calida na narekober na ang pampasaherong jeep na ginamit ng mga salarin sa pagdukot sa dalawang aktibista.
Ang ginamit na jeep ay natagpuan sa loob mismo ng headquarters ng 204th Brigade at nakarehistro sa 68th Infantry Battalion (IB) sa pamumuno ni Major Alejandro Clemente.
Kaugnay nito, nagtungo rin sa nasabing lugar si Rep. Satur Ocampo at ibat ibang non-organizational group kabilang dito ang Karapatan-Southern Tagalog na siyang nagsagawa ng re-enactment bago napatay ang mga biktima.
Bago kidnapin at mapatay sina Marcellana at Gumanoy ay nagtungo ang dalawa sa Calapan, Oriental Mindoro upang magsagawa ng imbestigasyon sa mga nagaganap na human rights abuse na ginagawa ng mga tauhan ni Col. Palparan.
Nabatid na bago napaslang si Marcellana ay nagsampa ito ng kaso laban sa sinibak na hepe ng 204th Brigade ng PA na si Col. Juanito Palparan na siyang itinuturong utak sa pagpaslang sa dalawa.
Naniniwala naman ang Task Force Mindoro na pinagtatakpan ng mga opisyal ng Phil. Army ang nasabing krimen dahil sa pagtanggi ng mga ito na ilabas ang isa sa mga itinuturing na suspek na si Sgt. Donald Caigas at tatlo pa.
Sinabi ng Task Force Mindoro na posibleng kasama na ni Caigas ang isang alyas Silver, na ang tunay na pangalan ay Aniano Flores, isang rebel returnee.
Kinumpirma naman ng ilang saksi na mga sundalo ang siyang dumukot at pumatay sa dalawa dahil sa mga suot nitong camouflage na uniporme.
Nagbabala naman si Calida na kanyang ipapasibak sa puwesto ang officer-in-charge ng 204th Brigade na si Col. Juanito Gomez at mga opisyal nito sa sandaling pagtakpan nito ang kanyang mga tauhan na sangkot sa pagpatay kay Marcellana at Gumanoy at sa mga nagaganap na human rights violation sa nasabing lugar. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 9 hours ago
By Cristina Timbang | 9 hours ago
By Tony Sandoval | 9 hours ago
Recommended