Banggaan: 2 patay, 6 grabe
May 5, 2003 | 12:00am
POLANGUI, Albay Dahil sa pag-iwas ng trak sa taong nakahiga sa gitna ng kalsada ay nasalpok nito ang kasalubong na van na nagresulta sa pagkasawi ng dalawa habang anim naman ang malubhang nasugatan sa kahabaan ng highway na sakop ng Barangay Ubaliw sa bayang ito kamakalawa ng gabi.
Nakilala ang isa sa namatay na si Cielo Linda Reyes, 24, samantala, hindi naman nakuha ang pangalan ng nakahigang lalaki sa gitna ng kalsada.
Malubhang nasugatan sina Nicolas Palima, 60, drayber ng van (CRM-469); Rodolfo Reyes Sr. 57; Erlinda Reyes, 54, Rodolfo Reyes Jr., 29, Ginalyn Enopia, 13, at Efren Enopia, 11, na pawang residente ng Barangay Nagas, Oas, Albay.
Base sa ulat ng pulisya, naitala ang aksidente bandang alas-8:15 ng gabi makaraang iwasan ng trak (EVE-950) na minamaneho ni Alex Magno ng Daraga, Albay ang lalaking nakahiga sa gitna ng kalsada.
May palagay ang pulisya na patay na ang hindi kilalang lalaki na nakahiga sa kalsada bago pa ito masagasaan ng trak. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended