^

Probinsiya

2 sundalo napaslang; 3 pa sugatan sa engkuwentro ng Sayyaf

-
Zamboanga City – Dalawang sundalo at hindi pa madeterminang bilang ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang nasawi habang tatlo pa ang nasugatan sa ikalawang araw ng opensiba ng militar laban sa bandidong grupo na pinamumunuan ni Khadaffy Janjalani sa Pilas Island, ayon sa ulat ng militar kahapon.

Sinabi ni AFP Southcom Chief Major Gen. Roy Kyamko na nagsimulang atakihin nitong nakalipas na Huwebes ng mga sundalo ang Pilas Island matapos na makatanggap ng report na dito nagtatago sina Janjalani at isa pang ASG Commander na si Isnilon Hapilon; pawang may patong sa ulong tig-P5M bawat isa.

Nabatid na dalawang OV-10 bomber planes ang nagsagawa ng air strike operations sa naturang lugar habang sinusugod naman ng ground troops ng Phil. Army ang nasabing isla kung saan nakasagupa ng mga ito ang tinatayang may 150 armadong mga bandido.

Sinabi ni Kyamko na nakatanggap sila ng intelligence report na nakatakas na sina Janjalani at Hapilon sa Pilas Island na nasa pagitan ng Basilan at Sulu pero ang bagay na ito ay hindi pa nila makumpirma sa kasalukuyan.

Kaugnay nito, ipinag-utos na ni Kyamko ang pagsasagawa ng naval blockades upang harangin ang sinasabing nakatakas na grupo nina Khadaffy at Hapilon sa lahat ng mga landing sites dito.

Pinaniniwalaan namang tumakas ang grupo nina Janjalani dahilan umano sa takot sa pagdaraos sa Sulu ng Balikatan 03-1 RP-US joint military exercises. (Ulat ni Roel Pareño)

ABU SAYYAF GROUP

HAPILON

ISNILON HAPILON

JANJALANI

KHADAFFY JANJALANI

KYAMKO

PILAS ISLAND

ROEL PARE

ROY KYAMKO

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with