Pulis patay sa ambush

CAMP CRAME – Blangko pa rin ang kapulisan ng Urdaneta City, Pangasinan sa pagkakapaslang sa kasamahang pulis makaraang tambangan ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan sa J.P. Rizal St. na sakop ng Barangay Bayaoas sa lungsod na ito kamakalawa ng gabi.

Si SPO1 Tirso dela Cruz ay inambush bandang alas-11:55 ng gabi habang naglalakad papauwi mula sa pinapasukang himpilan ng pulisya.

Napag-alaman pa sa naantalang ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, tinangay pa ng mga killer ang service firearm at wallet ng biktima bago nagsitakas sa hindi nabatid na direksyon.

Ayon pa sa ulat na namataan ni Tirso Manuel, anak ng biktima ang kanyang ama na duguang bumagsak kaya mabilis namang isinugod sa Sacred Heart Hospital, ngunit idineklarang patay. (Ulat ni Danilo Garcia)

Show comments