^

Probinsiya

Dalaga humabol sa kawatan, todas

-
ANTIPOLO CITY Dahil sa paghabol sa notoryus na miyembro ng Akyat-Bahay gang, isang 29-anyos na dalaga ang nasawi matapos na barilin sa lungsod na ito kamakalawa ng gabi.

Ipinagharap ng kasong robbery with homicide ang naarestong suspek na si Roberto Campus, 29, ng Manggahan Street, Manggahan Floodway, Pasig.

Kinilala naman ang nasawing biktima na si Emilisa Empon, ng Purok 4-A Mabuhay Street, Peñafrancia Subdivision, Brgy. Mayamot, Antipolo.

Base sa ulat ng pulisya, kasalukuyang kumakain ang biktima kasama ang boyfriend na si Eric Sagun nang marinig nila ang mga kaluskos sa salas dakong 8:30 ng gabi kamakalawa.

Mabilis na tumayo ang biktima at nag-usisa hanggang makita nito ang suspek habang papalabas ng bahay bitbit ang kanyang cellphone, mga alahas at maliliit na kagamitan.

Hinabol ng biktima ang suspek na nataranta naman sa paghabol kaya agad nitong binunot ang kanyang baril at ipinutok sa dalaga. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

A MABUHAY STREET

AKYAT-BAHAY

BRGY

DAHIL

EMILISA EMPON

ERIC SAGUN

JOY CANTOS

MANGGAHAN FLOODWAY

MANGGAHAN STREET

ROBERTO CAMPUS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with