^

Probinsiya

Sekyu tinodas sa harap ng pamilya

-
CAMP PANTALEON GARCIA, Cavite – Binaril at napatay sa harap ng kanyang pamilya ang isang 42-anyos na security guard sa pamilihang bayan ng dalawang armadong kalalakihan habang ang biktima ay nagmamaneho ng owner-type jeep sa kahabaan ng highway na sakop ng Barangay Punta Dos, Tanza, Cavite kamakalawa ng gabi.

Idineklarang patay sa Del Rosario Hospital si Tomas Pangilinan makaraang tamaan ng bala ng baril sa tagilirang bahagi ng katawan.

Samantala, ang dalawang killer ay mabilis na tumakas sakay ng motorsiklo sa hindi nabatid na direksyon.

Sa inisyal na imbestigasyon ni PO1 Richard Atienza, naitala ang krimen dakong alas-9:20 ng gabi habang minamaneho ng biktima ang dyip na may plakang VBK-288.

Mabagal na minamaneho ng biktima ang dyip nang lapitan ng dalawang nakamotorsiklo bago pinaputukan sa tagiliran at pinalalagay na nakaalitan ni Pangilinan ang mga killer. (Ulat ni Cristina G. Timbang)

vuukle comment

BARANGAY PUNTA DOS

BINARIL

CAVITE

CRISTINA G

DEL ROSARIO HOSPITAL

IDINEKLARANG

MABAGAL

PANGILINAN

RICHARD ATIENZA

TOMAS PANGILINAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with