Sa naantalang ulat na isinumite sa Camp Crame, kinilala ang mga biktimang sina SPO1 Jesus Lonzaga at SPO1 Rodrigo Sapilan na kapwa nakatalaga sa Leyte Police Provincial Office.
Base sa ulat, naatasan ang dalawang biktima na magsagawa ng intelligence monitoring sa naturang lugar hinggil sa presensya ng mga armadong kalalakihan.
Ilan sa mga nakasaksi sa pangyayari na nagsabing tiniyempuhan ng dalawang rebelde na may kausap ang mga pulis saka nilapitan at pinutukan sa ulo.
Sumigaw pa ang isa sa mga rebelde na "huwag kayong matakot, mga pulis din ang kasama namin."
Inilarawan ng mga residente na nasa edad 17 hanggang 21-anyos ang mga rebeldeng naka-suot lamang ng t-shirt at pantalon.
Nagtayo naman agad ng mga checkpoint ang kapulisan para hindi makalayo ang mga rebeldeng nagsitakas. (Ulat ni Danilo Garcia)