P1.7-M ninakaw sa mag-asawang trader

CAMP PANTALEON GARCIA, Cavite – Tinatayang aabot sa P1.7 milyon ang iniulat na ninakaw sa mag-asawang negosyante ng mga hindi kilalang kalalakihan makaraang pasukin ang bahay ng dalawa sa Barangay Mambog, Bacoor, Cavite kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang mga biktimang sina Arlene at Hiroshi Shimada na kapwa residente ng Block 3 Lot 36 Fairfield Subdivison ng nabanggit na barangay.

Sa iniyal na pagsisiyasat ni SPO2 Carlito Gener, naitala ang krimen dakong ala-una ng hapon habang ang mag-asawa ay nasa loob ng kanilang bahay.

Hindi na nakuhang pumalag ng mag-asawa dahil sa tinutukan ng baril bago hinalughog ang loob ng bahay at tinangay ang naturang halaga at kanilang pasaporte. Tumakas ang mga mandurugas sakay ng kotseng (THU-299) kulay itim. (Ulat ni Cristina G. Timbang)

Show comments