Sa ipinalabas na warrant of arrest ni Judge Teresito Andoy ng Cainta Municipal Trial Court, dinakip sina Michael Sicat, 27; Romeo Sicat, 32; Jessie Villaran at Esteven Reyes.
Ayon sa ulat ng pulisya, ang mga suspek ay nsakote sa kanilang safehouse sa nabanggit na barangay dakong alas-4:30 ng madaling-araw.
Narekober ng pulisya mula sa mga suspek ang tatlong baril, 10 gramo ng shabu at kotseng Nissan Sentra na pag-aari ng isang board member ng Rizal.
Napag-alaman ng pulisya na ang mga suspek ay sangkot din sa ibat ibang kaso sa Rizal at karatig lungsod ng Maynila. (Ulat ni Danilo Garcia)