^

Probinsiya

Rapist na adik nasakote

-
PLARIDEL, Bulacan – Pinaniniwalaang nalutas na ng mga awtoridad ang humalay at pumatay sa siyam na taong gulang na batang babae makaraang madakip ang isang 20-anyos na lalaki sa Barangay Apustin Lower, Bauan, La Union kamakalawa ang hapon.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Claro "Martin" Ociel ng Barangay Parulan sa bayang ito at pinaniniwalaang adik sa droga.

Sinabi ni P/Supt. George Torcuator, police chief ng Plaridel na si Ociel ay responsable sa kasong rape at murder laban sa biktimang si Jessica Fuentes, isang grade 3 pupil at kapitbahay ng una.

Ayon sa ulat ng pulisya, isinagawa ang operasyon laban kay Ociel bandang alas-4:30 ng hapon sa bahay ng kanyang kamag-anak at nagtago pa ang suspek sa aparador bago dakpin.

Kinumpirma naman ng ilang testigo na namataan nila ang suspek na huling kasama ang biktima bago matagpuan ang bata na nakalutang sa ilog. (Ulat ni Efren Alcantara)

vuukle comment

AYON

BARANGAY APUSTIN LOWER

BARANGAY PARULAN

BAUAN

BULACAN

EFREN ALCANTARA

GEORGE TORCUATOR

JESSICA FUENTES

LA UNION

OCIEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with