^

Probinsiya

Abu lider patay sa militar

-
ZAMBOANGA CITY – Muli na naman nakapuntos ang tropa ng militar makaraang mapatay nila ang isang sub-commander ng Abu Sayyaf sa naganap na encounter sa kagubatang sakop ng Barangay Tinggol, Maluso, Basilan, ayon sa ulat kahapon.

Ayon kay Col. Bonifacio Ramos, kumander ng 103rd Army Brigade, nakasagupa ng tropa ng 18th Infantry Battalion ng AFP ang grupo ni Hamsiraji Sali, alyas Commander Jose Ramirez noong Sabado ng gabi.

Kinilala ni Ramos ang napatay na lider ng Sayyaf na si Tuan Hamid, samantala, patuloy na tinutugis ng militar ang nalalabi pang lider ng Abu Sayyaf na nagtatago sa kagubatan ng Basilan.

Kabilang sa natitirang lider ng Sayyaf ay nakilalang sina Khadaffi Janjalani, Abu Solaiman at Isnilon Hapilon na nagtatago naman sa Sulu. (Ulat ni Roel Pareño)

vuukle comment

ABU SAYYAF

ABU SOLAIMAN

ARMY BRIGADE

BARANGAY TINGGOL

BASILAN

BONIFACIO RAMOS

COMMANDER JOSE RAMIREZ

HAMSIRAJI SALI

INFANTRY BATTALION

ISNILON HAPILON

KHADAFFI JANJALANI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with