Sa halip, inatasan ng Pangulong Arroyo ang magkasanib na pangkat militar at pulisya para tugisin ang grupong Abu Sayyaf na pinaniniwalaang tumangay kay Tan sa Siasi, Sulu.
Sa kanyang direktiba, sinabi ng Pangulo na kailangang mailigtas si Tan sa mga bumihag na bandido at hindi kailangang daanin sa negosasyon ang paglaya nito.
"We will rescue this victim as well as the remaining hostages. There will be no letup, no negotiations. This strategy, reinforced by community cooperation has proven effective in enabling the escape of the Indonesian hostages," anang Pangulo. (Ulat ni Lilia Tolentino)