Indon na bihag ng Abu, nakatakas
April 12, 2003 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Isa pang bihag na Indonesian ang nakatakas kahapon mula sa kamay ng bandidong Abu Sayyaf Group sa Patikul, Sulu.
Ang nakatakas na bihag ng ASG ay nakilalang si Pieter Lerrich, tubong Jawa Tangga at isa sa 3 Indonesian crew ng Singaporean vessel SM-88 na dinukot ng ASG noong June 17, 2002.
Batay sa sketchy report ng militar, bandang alas-12:30 ng tanghali nang magawang makatakas ni Lerrich mula sa kanyang bantay na ASG na nagpapahinga.
Natagpuan si Lerrich ng mga tauhan ng 4th Marine Battallion habang naglalakad ito sa isang barangay sa Patikul at matapos maberipika na naging bihag ito ng ASG ay agad dinala sa Southern Command upang sumailalim sa imbestigasyon.
Magugunita na unang nakatakas nitong Marso 27 si Julkifli Lai habang ang isang kasamahan ng mga ito ay namatay naman noong nakaraang taon dahil sa sobrang hirap habang bihag ng ASG.
Nasa kamay pa rin ng mga bandido ang 4 na miyembro ng Jehovas Witness na dinukot ng grupo noong nakaraang taon. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest