Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina Pedro Dela Cruz, 37 ng Barangay Santiago, General Trias at Gerry Delos Reyes, 23 ng Barangay Luzviminda, Dasmariñas.
Sa ulat ng pulisya, si Dela Cruz na pinalalagay na may malaking problema sa trabaho ay nadiskubreng nakabitin sa kanilang bahay dakong alas-11:45 ng umaga.
Samantala, si Delos Reyes naman na pinaniniwalaang iniwan ng asawat anak ay natagpuang nakabitin sa punong kahoy sa likurang bahagi ng kanilang bahay bandang alas-8 ng gabi. (Ulat ni Cristina G. Timbang)