^

Probinsiya

Amang rapist hinatulan ng bitay

-
MALOLOS CITY, Bulacan – Hinatulang mabitay ng korte ang isang ama na napatunayang humalay sa kanyang sariling anak na babae sa kanilang bahay sa Barangay Balite sa lungsod na ito may tatlong taon na ang nakalilipas.

Sa anim na pahinang desisyon ni Malolos City Regional Trial Court Judge Andres B. Soriano, Branch 13, pinatawan ng bitay si Amadeo Tinsay matapos na mapatunayang nagkasala ng kasong rape laban sa sariling anak noong Enero 22, 2000.

Bukod sa hatol na bitay ay pinagmumulta rin ng korte si Amadeo ng P150,000 bilang danyos perwisyo sa sariling anak na isang mag-aaral sa elementarya.

Base sa record ng korte, ang pangyayari ay ipinagbigay alam ng biktima sa kanyang guro at ipinaalam naman sa ina hanggang sa magsampa ng reklamo ang mag-ina sa himpilan ng pulisya.

Hindi naman kinatigan ng korte ang alibi ng akusado bagkus ay binigyan ng timbang ang testimonya ng biktima sa kadahilanang hindi magsisinungaling ang bata sa naganap na krimen. (Ulat ni Efren Alcantara)

AMADEO

AMADEO TINSAY

BARANGAY BALITE

BUKOD

BULACAN

EFREN ALCANTARA

ENERO

HINATULANG

MALOLOS CITY REGIONAL TRIAL COURT JUDGE ANDRES B

SORIANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with