^

Probinsiya

Pagsagip sa POW's ng WW2, gugunitain

-
CABANATUAN CITY – Gugunitain ng pamahalaang panlalawigan ng Nueva Ecija sa araw na ito ang kagitingan ng mga beteranong gerilya ng World War 2 matapos nitong sagipin ang may 516 na Prisoners of War (POW) sa kamay ng Japanese forces.

Pangungunahan ni Gov. Tomas Joson III ang paggunita sa araw na ito ng ipinamalas na kagitingan ng mga gerilya na noon ay pinamumunuan nina Kapitan Eduardo Joson at Kapitan Juan Pajota na pawang komisyonado ng USAFFE.

Maglalagay ng historical marker ang provincial government ng N. Ecija para kilalanin ang ginawang katapangan ng mga Pilipino gerilya para sagipin ang mga POW’s noong gabi ng Enero 30, 1945.

Kabilang sa mga magiging panauhin sa paggunitang ito ay sina Defense Sec. Angelo Reyes, AFP chief Dionisio Santiago, Army chief Lt. Gen. Gregorio Camiling, Lt. Col. Russel Lewey ng US embassy at National historical Institute chairman Ambeth Ocampo at iba pang opisyal ng lalawigan. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

AMBETH OCAMPO

ANGELO REYES

CHRISTIAN RYAN STA

DEFENSE SEC

DIONISIO SANTIAGO

GREGORIO CAMILING

KAPITAN EDUARDO JOSON

KAPITAN JUAN PAJOTA

NUEVA ECIJA

PRISONERS OF WAR

RUSSEL LEWEY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with