4 'pulis' nang-hijack ng kargamento

CAMP OLIVAS, Pampanga – Tinatayang abot sa P80,000 kargamentong lulan ng van ang iniulat na hinaydjak ng mga unipormadong pulis sa kahabaan ng highway na sakop ng Barangy Anupol, Bamban, Tarlac noong Martes, Abril 1, 2003.

Sa ulat na isinumite kay P/Sr. Supt. Mario Sandiego, Tarlac police provincial director, hinarang ng apat na unipormadong pulis sakay ng Toyota Corolla na walang plaka ang Mitsubishi van (UFF-306) na minamaneho ni Kwok Kee Sio Chua.

Ang van na naglalaman ng kargamento ay patungo sa San Fernando, La Union para mag-deliver.

Ayon sa ulat ng pulisya, tinangay ng mga hijacker ang van patungo sa direksyong hilaga, samantala, si Chua at dalawang pahinante ay ibinaba sa San Roque, Tarlac City. (Ulat ni Ric Sapnu)

Show comments