2 pari pinasisibak ng 110 diocese
April 4, 2003 | 12:00am
MALOLOS CITY, Bulacan Dalawang pari ang pinasisibak sa puwesto ng 110 diocese mula sa 24 bayan ng Bulacan kasunod ng pagkondena sa kanilang Obispo dahil sa hindi maayos na pamamalakad na naging sanhi para maapektuhan ang kanilang kalagayan at tungkulin bilang alagad ng simbahang Katoliko Romano.
Sa anim na pahinang petisyon ng 110 diocese kay Bulacan Bishop Rolando J. Tria Tirona, pinasisibak nila sina Fr. Miguel Paez, chairman ng Commission of Temporalities at Rev. (ret.) Monsignor Felimon Capiral, chairman ng Commission on Clergy.
Si Tirona ay inakusahan ng hindi pantay na pagtingin at pagtrato sa kanyang mga kasamahang pari sa pagbibigay ng benepisyo.
Samantala, si Paez naman ay tinuligsa sa walang kakayahang gampanan ang tungkulin.
Kinondena rin ng 110 diocese ang kanilang obispo dahil sa pagwawalang bahala sa kanilang kahilingang mabigyang solusyon ang mga problemang kinakaharap sa loob ng samahan na nagiging sanhi ng demoralisasyon. (Ulat ni Efren Alcantara)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended