Briton sugatan sa plane crash

BATANGAS CITY – Isa na namang pribadong eroplano ang iniulat na bumagsak sa plantasyon ng niyog na ikinasugat ng pilotong Briton kahapon sa Sitio Bioy, Barangay Aya, San Jose, Batangas.

Kasalukuyang ginagamot sa Mary Mediatrix hospital sa Lipa City, Batangas si Capt. David Lockwood, 38, British national at naninirahan sa bansang Vietnam.

Sinabi ni P/Sr. Supt. Rodolfo Magtibay, ang eroplanong Cessna 185 ay nagkaroon ng engine trouble habang lumilipad patungong Maynila mula sa Boracay Island.

Bandang alas-4 ng hapon ng biglang magliyab ang pakpak sa likurang bahagi saka bumulusok sa niyugan, ngunit bahagyang nasugatan si Lockwood.

Masusi naman sinisiyasat ng mga imbestigador ng Air Transport Office ang naganap na pagbagsak ng eroplano. (Ulat ni Arnell Ozaeta)

Show comments