Armas at bala nasabat sa mangingisda
April 4, 2003 | 12:00am
SUBIC, Zambales Nasabat ang ibat ibang uri ng bala at armas sa isang 24-anyos na mangingisda ng pinagsanib na puersa ng Military Inteligence Group (MIG-3) ng ISAFP at 301st Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa isinagawang pagsalakay sa Barangay Sampaloc, Subic, Zambales kamakalawa ng hapon.
Sa isinumiteng ulat ni P/Chief Inps. Eliseo Saquilayan kay P/Sr. Supt. Christopher Laxa, CIDG Regional Office 3 director, ang suspek na si Felipe Vidastol ng Olongapo City ay nakumpiskahan ng M-16 assault rifle at 40 ibat ibang uri ng bala.
Nabatid sa ulat ni P/Insp. Fernando Ferrer, CIDG special investigator na nakatanggap sila ng tawag sa isang concerned citizen na may itinatagong armas at mga bala ang suspek.
Agad naman bumuo ng team ang mga awtoridad para salakayin ang bahay ng suspek na pinalalagay na ginagamit sa pangha-harass laban sa kanyang mga kapitbahay.
Inaalam pa ng pulisya kung kasapi ng rebeldeng New Peoples Army (NPA) ang suspek dahil nasa kasibulan pa ng edad ay may itinatagong armas at mga bala. (Ulat ni Jeff Tombado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
June 21, 2026 - 12:00am