^

Probinsiya

Asset ng pulisya tinodas

-
CAINTA, Rizal Pinaulanan ng bala hanggang sa mapatay ang isang taxi driver na itinuturong asset ng pulisya matapos na tambangan ng dalawang armadong kalalakihan na pinaniniwalaang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) habang lulan ng minamaneho nitong FX taxi sa bayang ito kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Supt. Renato Quintana, Chief of Police ng Cainta, ang biktima na si Ringo Ramos, 35 at naninirahan sa #13 Dagot St., Quezon City.

Ayon kay SPO2 Carlos Atanacio Jr., hepe ng Criminal Investigation Unit ng nasabing himpilan, naganap ang krimen dakong alas-8:45 ng gabi kamakalawa sa kahabaan ng V.V. Soliven I St., Brgy. San isidro, Cainta ng naturang lalawigan habang minamaneho ng biktima ang FX taxi (PXT-667).

Papauwi na umano ang biktima nang biglang sumulpot sa dilim ang dalawang rebelde at sabay-sabay itong nagpaputok.

Matapos na mapaslang ang kanilang target ay parang walang anumang naglakad lamang umano palayo sa lugar ang mga salarin. (Ulat ni Joy Cantos)

CAINTA

CARLOS ATANACIO JR.

CHIEF OF POLICE

CRIMINAL INVESTIGATION UNIT

DAGOT ST.

JOY CANTOS

NEW PEOPLE

QUEZON CITY

RENATO QUINTANA

RINGO RAMOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with