10 bata patay sa tigdas
April 2, 2003 | 12:00am
TACLOBAN CITY Umaabot na sa sampung bata ang kumpirmadong nasawi, samantala, labindalawa naman ang kasalukuyang inoobserbahan sa ospital sa pananalasa ng tigdas sa Sitio Hilagonayan, Barangay Mckinley, Catarman, Northern Samar.
Kinilala ni Dr. Myra Trongcoso, municipal health officer ng Catarman ang mga biktimang sina Myla Londero, 2; Michael Londero, 11; Maricar Solomon, 7; Orio, 3; Marilyn Londero, 3; Juane Igbuhay, 5; Ever Cardenas, 7, Maria Laou Lourdes Cardenas at dalawang anak ni Onggit Tolitol na pawang residente ng nabanggit na barangay.
Pansamantalang hindi muna ibinunyag ang mga pangalan ng mga biktimang inoobserbahan sa ospital simula nang sumulpot ang tigdas noong Enero hanggang Marso. (Ulat ni Miriam Garcia Desacada)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest