^

Probinsiya

Misis nagrambo: Mister tinodas, GRO kritikal

-
Sta. Rosa, Laguna – Dead on arrival sa pagamutan ang isang 52 anyos na mister habang nasa kritikal namang kalagayan ang kasama nitong magandang dalagang Guest Relations Officer (GRO) matapos na pagsasaksakin nang nag-amok na misis ng una nang maaktuhan ang mga itong magkasama sa loob ng sasakyan sa Brgy. Dila ng bayang ito kahapon.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Danilo Flores, driver at residente ng Brgy. Pooc, Sta. Rosa na hindi na umabot ng buhay sa St. James Hospital matapos na tumagos sa puso nito ang isang saksak ng patalim.

Isinailalim naman sa maselang operasyon sa Perpetual Help Hospital si Marivic Rodriguez, 26-anyos, GRO sa Bistro Videoke Bar at umano’y kalaguyo ng mister ng suspek na nagtamo naman ng saksak sa suso.

Agad namang inaresto ng mga awtoridad ang misis ng biktima na kinilalang si Mina Flores na sinampahan ng kasong parricide at frustrated homicide at ngayo’y kasalukuyang nakapiit sa Sta. Rosa Police Station.

Base sa imbestigasyon, naitala ang krimen dakong alas-2:30 ng hapon nang matiyempuhan ng suspek ang dalawa na umano’y naglalambingan sa loob ng kanilang sasakyang Hyundai Grace Van na may plakang XDV-762 habang nakaparada sa tapat ng Videoke bar na masinsinang nag-uusap.

Napag-alaman na matagal na umanong tinitiktikan ng suspek ang kanyang mister matapos na isumbong rito ng isa nilang kaibigan na umano’y nambababae. (Ulat ni Ed Amoroso)

vuukle comment

BISTRO VIDEOKE BAR

BRGY

DANILO FLORES

ED AMOROSO

GUEST RELATIONS OFFICER

HYUNDAI GRACE VAN

MARIVIC RODRIGUEZ

MINA FLORES

PERPETUAL HELP HOSPITAL

ROSA POLICE STATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with