8 patay, 5 sugatan sa bakbakan ng militar at Sayyaf
March 29, 2003 | 12:00am
ZAMBOANGA CITY Walo-katao kabilang na ang apat na kasapi ng mga bandidong Abu Sayyaf group ang iniulat na nasawi, samantala, lima namang sundalo ang nasugatan makaraang salakayin ng tropa ng militar ang pinagkukutaan ng mga terorista sa magkahiwalay na lugar sa Basilan at Jolo kahapon, ayon sa ulat ni Col. Alexander Aleo.
Ang mga napatay na Sayyaf ay mga tauhan nina kumander Ghalib Andang, Jumadali Umbra, Ekih Mingkong at Ankon na may operasyon sa Basilan, samantala, sa panig naman ng pamahalaan ay nasawi sina Rusmin Garuni, Sabri Boyong na kapwa miyembro ng CAFGU; Cpl. Barlie Lakibul at Pfc. Maddas Abuhassan na kapwa kawal ng 35th Infantry Battalion ng Phil. Army.
Kinilala naman ang mga sugatang sundalo na sina T/Sgt. Gadiano, S/Sgt. Romeo Sebastian, Pfc. Pedro Abrnica, Pfc. Amikahaider Tagayan at Pvt. Rodrigo Patoy.
Naganap ang unang bakbakan dakong alas 7:30 ng umaga makaraang magsagupa ang tropa ng militar at mga tauhan nina Ekih Mingkong at Ankon sa Gulong River sa Basilan.
Kasunod nito, sumiklab naman ang sagupaan sa Mt. Tukay, Indana, Jolo, Sulu dakong alas-5:15 ng umaga hanggang sa umatras ang mga tauhan nina Kumander Ghalib Andang at Umbra.
Patuloy naman ang isinasagawang hot pursuit sa mga tauhan ng apat na kumander ang Abu Sayyaf sa magkahiwalay na kagubatan ng Basilan at Jolo.(Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 22 hours ago
By Doris Franche-Borja | 22 hours ago
By Jorge Hallare | 22 hours ago
Recommended