Ang mga napatay na Sayyaf ay mga tauhan nina kumander Ghalib Andang, Jumadali Umbra, Ekih Mingkong at Ankon na may operasyon sa Basilan, samantala, sa panig naman ng pamahalaan ay nasawi sina Rusmin Garuni, Sabri Boyong na kapwa miyembro ng CAFGU; Cpl. Barlie Lakibul at Pfc. Maddas Abuhassan na kapwa kawal ng 35th Infantry Battalion ng Phil. Army.
Kinilala naman ang mga sugatang sundalo na sina T/Sgt. Gadiano, S/Sgt. Romeo Sebastian, Pfc. Pedro Abrnica, Pfc. Amikahaider Tagayan at Pvt. Rodrigo Patoy.
Naganap ang unang bakbakan dakong alas 7:30 ng umaga makaraang magsagupa ang tropa ng militar at mga tauhan nina Ekih Mingkong at Ankon sa Gulong River sa Basilan.
Kasunod nito, sumiklab naman ang sagupaan sa Mt. Tukay, Indana, Jolo, Sulu dakong alas-5:15 ng umaga hanggang sa umatras ang mga tauhan nina Kumander Ghalib Andang at Umbra.
Patuloy naman ang isinasagawang hot pursuit sa mga tauhan ng apat na kumander ang Abu Sayyaf sa magkahiwalay na kagubatan ng Basilan at Jolo.(Ulat ni Danilo Garcia)