^

Probinsiya

Gasolinahan pinasabog, 2 kritikal

-
CAMP SIONGCO, Maguindanao – Dalawang malakas na pagsabog ang yumanig sa lungsod ng Kidapawan at Koronadal sa Central Mindanao kahapon na malubhang ikinasugat ng tatlo katao at nagresulta para magkaroon ng matinding tensyon sa mga residente.

Base sa ulat na nakarating kahapon sa kampo ng Army’s 6th Infantry Division, hinagisan ng granada ng mga rebelde ang gasolinahan na sakop ng Koronadal City na ikinasugat ng malubha nina Mansueto Sanchez at Junifer Degala dahil sa tama ng shrapnel sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

May inisyal na teorya ang pulisya na ang ginawang pagpapasabog ng mga rebelde sa gasolinahan ay para piliting magbigay ng protection money ang may-ari.

Sa kabilang kaganapan naman ay malubhang nasugatan si Wilfredo Eron, miyembro ng civil security group sa lokal na pamahalaan ng Kidapawan City makaraang aksidenteng sumabog ang granada na nasa kanyang bulsa.

Kasalukuyan pang inaalam ng pulisya ang pinagmulan ng granada na nasa pag-iingat ni Eron dahil siya ay ordinaryong watchman ng lokal na pamahalaan. (Ulat ni John Unson)

vuukle comment

CENTRAL MINDANAO

DALAWANG

ERON

INFANTRY DIVISION

JOHN UNSON

JUNIFER DEGALA

KIDAPAWAN CITY

KORONADAL CITY

MANSUETO SANCHEZ

WILFREDO ERON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with