^

Probinsiya

Misis tinodas ng selosong mister

-
ANTIPOLO CITY – Isang ginang ang binaril at napatay ng kanyang sariling mister dahil sa sobrang pagseselos kamakalawa ng gabi sa lungsod na ito.

Ang nasawi sanhi ng isang tama ng bala sa kanyang puso ay nakilalang si Labella Gallego, 34, at nakatira sa Sityo Kulasisi, Barangay San Luis ng lungsod na ito.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspect na si Fernando Gallego, mister ng biktima.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, bandang alas-10 kamakalawa ng gabi ng magtalo ang mag-asawa sa loob ng kanilang bahay.

Inungkat umano ng suspect sa kanyang maybahay ang pagseselos nito sa isang lalaki na pinaghihinalaan niyang dumidiskarte sa kanyang misis.

Nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang mag-asawa na kapwa umano nakainom ng alak hanggang sa kumuha ng baril si Fernando at barilin ang kanyang misis.

Tinamaan sa kili-kili ang biktima na naglagos sa kanyang puso na agad nitong ikinamatay habang mabilis namang tumakas ang suspect. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

BARANGAY SAN LUIS

BATAY

FERNANDO

FERNANDO GALLEGO

INUNGKAT

ISANG

JOY CANTOS

KANYANG

LABELLA GALLEGO

SITYO KULASISI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with