^

Probinsiya

Water reservoir binomba ng MILF

-
Pinasabog ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang water reservoir sa panibagong pagsalakay sa Kidapawan City kahapon ng umaga.

Ito ang inihayag kahapon ni North Cotabato Governor Emmanuel Piñol sa ginanap na regular na forum sa Citio Fernandina sa Greenhills, San Juan.

Ayon kay Piñol, dakong alas-5 ng umaga nang salakayin ng mga rebelde ang "Water Reservoir" na matatagpuan sa magubat na bahagi ng Mt. Apo.

Sa inisyal na imbestigayson, pinasabog ng mga rebelde sa pamamagitan ng paglalagay ng bomba ang water pipeline na naging sanhi ng pagkawala ng supply ng tubig sa lungsod at pook.

Aabot naman sa 20,000 residente ang naapektuhan sa pananabotahe ng imbakan ng tubig.

Ilang nagkukubling mga sibilyan ang nakasaksi sa pangyayari, ngunit sa matinding takot na balingan sila ng mga MILF ay hindi nagpakita ang mga ito.

Kaugnay nito, kinondena naman ng opisyal ang patuloy na paghahasik ng terorismo ng MILF sa iba’t ibang panig ng rehiyon na aniya’y dapat nang gamitan ng kamay na bakal. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

AABOT

AYON

CITIO FERNANDINA

JOY CANTOS

KIDAPAWAN CITY

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

MT. APO

NORTH COTABATO GOVERNOR EMMANUEL PI

SAN JUAN

WATER RESERVOIR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with