Negosyanteng bombay, dinukot, pinatay

PAMPANGA – Isang bangkay ng negosyanteng Bombay ang natagpuan ng mga residente ng Barangay Navaling sa hangganan ng Magalang at Concepcion kamakalawa ng tanghali.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Gurmel Singh, 23 at pansamantalang naninirahan sa 1617 Block 6 Perlas Apartment, Angeles City, Pampanga.

Napag-alaman sa ulat ng pulisya, isang truck driver na hindi ibinunyag ang pangalan ang nakasaksi sa pangyayari sa Barangay, Babosakan, Porac.

Hinarang ang biktima habang nagmomotorsiklo bago kinaladkad sa loob ng kotse na walang plaka at itinapong patay sa nabanggit na lugar. (Ulat ni Pesie Miñoza)

Show comments