^

Probinsiya

SULYAP BALITA

-
Killer ng mag-amang negosyante tiklo
KAMPO HEN. ALEJO SANTOS, Bulacan Isa sa apat na responsable sa pagkidnap at pagpatay sa mag-amang negosyanteng Tsino ang iniulat na nalambat ng mga awtoridad makaraang salakayin ang kuta nito sa Sitio Lambakin, Barangay Sto. Cristo, San Jose del Monte City, Bulacan kamakalawa ng hapon.

Sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Regional Trial Court Judge Crisanto C. Concepcion, Branch 12, dinakip si Federico Pataray ng mga tauhan ni P/Supt Eliseo dela Cruz, hepe ng pulisya sa nabanggit na lungsod.

Pinaghahanap naman ang tatlo pang kasamahan ni Pataray na sina Juanito Pataray , Rommel Libernes at isang alyas Akey.

Ang mga suspek ay responsable sa pagdukot at pagpatay sa mag-amang Chua Ong Ping at Raymond Yao noong Hulyo 16, 1999 makaraang hindi makapagbigay ng ransom money. (Efren Alcantara)
Trader tinodas ng mga mandurugas
BULA, Camarines Sur Pinagtulungang saksakin hanggang sa mapatay ang isang negosyanteng misis ng mga mandurugas makaraang pasukin ang farmhouse ng biktima at walang makuhang pera kahapon ng umaga sa Barangay Fabrica sa bayang ito.

Ang bangkay ng biktimang si Anicia Nidea, 64, residente ng Brgy. Bagumbayan ay natagpuan ng kanyang mister bandang alas-6 ng umaga na duguang nakabulagta.

Hindi naman nakuha ng mga hindi kilalang armadong mandurugas ang P40,000 na nakatago sa ilalim ng kama.

May teorya ang pulisya na pinasok ang farmhosue ng mag-asawa sa pagitan ng alas-2 hanggang alas-4 ng madaling-araw makaraang matiyempuhang nag-iisa. (Ed Casulla)
4 kabataan tiklo sa hazing
CABANATUAN CITY, Nueva Ecija Apat na menor-de-edad ang iniulat na dinakip ng pulisya makaraang maaktuhang nagsasagawa ng hazing sa tatlong bagong miyembro ng Nueva Ecija High School fraternity kamakailan.

Ang mga suspek na pansamantalang hindi ibinunyag ang mga pangalan dahil sa may edad na 16, 12, 14, 17-anyos ay pawang residente ng Barangay Paco Roman at Dicarma sa lungsod na ito.

Samantala, ang dalawang biktima na may edad na 14 at ang isa pa ay 15, ay pawang residente ng Sta. Arcadia, del Pillar Street at Aduas Sur ng naturang lungsod.

Nabatid sa ulat ni SPO2 Marcelino Veneracion, dinakip ang apat dakong ala-1:30 ng hapon sa tulong na rin ng mga security personnel ng nabanggit na eskuwelahan at posibleng isailalim sa custody ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). (Christian Ryan Sta. Ana)
2 grupo salungat sa giyera sa Mindanao
Dalawang malalaking grupo ng mga kabataang mag-aaral ang salungat sa pagpapatuloy ng giyera ng tropa ng militar laban sa mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) dahil sa malaking epekto na naidudulot sa kaunlarang pangkabuhayan ng mga residente sa Mindanao.

Ang dalawang grupo na pinamumunuan nina Cenon Mayor at Abner Luna ay kinondena rin ang pangunguna ni Defense Secretary Angelo Reyes sa patuloy na pakikidigma sa mga rebelde na imbes na ipagpatuloy ang peace talks ay giyera ang pangunahing tema.

"Dapat na bigyan natin ng pansin ang kaunlaran ng Mindanao, partikular na ang mga nagtatangkang magnegosyo para mapaunlad ang Kamindanawan.
Mayor nagpaliwanag sa realty tax
Pormal na nagpaliwanag si Cainta, Rizal Mayor Nicanor Felix tungkol sa napaulat na iregularidad sa pagbabayad ng realty tax sa lupang binili ng lokal na pamahalaan na ngayon ay kinatitirikan ng munisipyo.

"Legal ang pagbabayad ng realty tax ng lokal na pamahalaan ng Cainta, Rizal sa lupang binili kay Alfredo Wong na asawa naman ni Encarnacion Wong," ani Mayor Felix.

Ang paliwanag ni Mayor Felix ay bunsod ng alegasyon ng Commission on Audit (COA) na nagkaroon ng iregularidad tungkol sa pagbabayad ng lokal na pamahalaan ng Cainta na nagkakahalaga ng P34-milyon.

May palagay si Mayor Felix na pakana na naman ng kanyang mga kalaban sa pulitika ang naturang isyu dahil sa nalalapit na halalan sa darating na Mayo 2004. (Lordeth Bonilla)

ABNER LUNA

ADUAS SUR

ALFREDO WONG

CAINTA

CENTER

MAYOR FELIX

MINDANAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with