^

Probinsiya

2 paaralan sinunog ng mga rebelde

-
CAMP CRAME – Hindi lamang sibilyan ang pinupuntirya ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA), maging mga pampublikong eskuwelahan ay hindi pinatawad makaraang salakayin at sunugin ang dalawang paaralan sa Davao kamakalawa ng madaling-araw.

Sa isinumiteng ulat ng pulisya kahapon sa Camp Crame, naitala ang unang pangyayari dakong alas 12:20 ng madaling-araw matapos na silaban ng mga rebelde ang Davao High School sa Barangay Mankilam, Tagum City.

Wala naman iniulat na nasawi o nasugatan sa naganap na sunog.

Samantala, bandang alas-2:30 naman ng madaling-araw nang lusubin at sunugin ng mga rebelde ang San Luis National High School sa Barangay San Luis, Caraga, Davao Oriental.

Dahil sa maagap na responde ng mga miyembro ng pamatay-sunog ay napigilan ang pagkalat ng apoy sa kalapit na kabahayan.

Namataan naman ng ilang saksi na may pumasok na mga hindi kilalang armadong kalalakihan sa dalawang paaralan na may dalang galon ng gasolina saka isinagawa ang panununog.

Pinag-aaralan ng mga awtoridad kung may kaugnayan ang pangyayari sa nalalapit na anibersaryo ng makakaliwang kilusan. (Ulat ni Danilo Garcia)

BARANGAY MANKILAM

BARANGAY SAN LUIS

CAMP CRAME

DANILO GARCIA

DAVAO HIGH SCHOOL

DAVAO ORIENTAL

NEW PEOPLE

SAN LUIS NATIONAL HIGH SCHOOL

TAGUM CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with