^

Probinsiya

Barangay chairman, 2 pa dedo sa ambush

-
LIBON, Albay – Tinambangan at napatay ang tatlo-katao kabilang na ang barangay chairman ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) habang ang mga biktima ay papauwi sakay ng owner type jeep kahapon ng umaga sa Barangay Talin-Talin sa bayang ito.

Walang buhay na iniwan ang mga biktimang sina Reynaldo Tinog, 52, barangay chairman ng Cagmanaba Oas, Albay; anak nitong si Tyron Tinog, 22, binata at Samson Cervantes, 27, dating SK chairman na pawang residente ng nabanggit na barangay.

Napag-alaman sa ulat ng pulisya na ang mga biktima ay nagmula pa sa Barangay Pantao, Libon lulan ng jeep at habang bumabagtas sa kahabaan ng kalsadang lubak-lubak ay tinambangan na ang mga biktima bandang alas-11:30 ng umaga.

Nabatid pa sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, humingi ng tulong ang may-ari ng maliit na tindahan ng motorsiklo para masingil ang pagkakautang ng isang kabarangay.

Hindi naman inakala ni Barangay Chairman Tinog na ang motorsiklong nabili ay ginagamit na ng mga rebelde sa kanilang modus operandi kaya nakarating sa kaalaman ng NPA.

Dito na inabangan ng mga rebelde ang sinasakyang jeep ng mga biktima bago isinagawa ang pananambang. (Ulat ni Ed Casulla)

vuukle comment

ALBAY

BARANGAY CHAIRMAN TINOG

BARANGAY PANTAO

BARANGAY TALIN-TALIN

CAGMANABA OAS

ED CASULLA

NEW PEOPLE

REYNALDO TINOG

SAMSON CERVANTES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with