Ang mga bangkay na animoy kinatay na parang hayop ay nakilalang sina Ariel, 50; Glicerio, 50; Hernelo, 5 anyos at Michael Bordos , 8-anyos na pawang residente ng Purok 5, Upper Batingil ng naturang lugar.
Nasa kritikal namang kondisyon ang dalawa pang miyembro ng pamilya na sina Merino at Marino na nagtamo ng maraming saksak sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Samantala, ang suspek na sa halip na sumuko makaraang makorner ng mga awtoridad ay nagsaksak sa sarili hanggang sa mamatay at kasalukuyan pang bineberipika ang pangalan.
Sa ulat ng pulisya na nakarating kahapon sa Camp Crame, naitala ang malagim na trahedya bandang alas-3:15 ng madaling-araw sa loob ng bahay ng pamilya Bordos.
Bago pa maganap ang malagim na krimen ay namataang nag-iinuman ng alak ang suspek at isa sa pamilya Bordos na si Merino.
Dahil sa lango na sa alak ang suspek at si Merino ay nagkaroon na ng hindi pagkakaunawaan ang dalawa hanggang sa umabot sa sigawan.
Dito na nag-amok ang suspek sa labas ng bahay ng pamilya Bordos bago unang sinaksak si Merino hanggang sa tinungo nito ang mga biktima at isinagawa ang pamamaslang. (Ulat ni Danilo Garcia)