Ina napatay ng anak na paslit
March 10, 2003 | 12:00am
PRIETO DIAZ, Sorsogon May posibilidad na ang napulot na baril-barilan ng limang taong gulang na batang babae ay ginawang tunay na baril na naging sanhi ng kamatayan ng kanyang ina makaraang aksidenteng pumutok habang itinutok nito sa biktima sa loob ng bahay sa Barangay Sta. Lourdes sa bayang ito kamakalawa ng gabi.
Idineklarang patay sa Juban District Hospital si Emily Enaje, 37, ng nabanggit na barangay, samantala, ang paslit na itinago sa pangalang Mabel ay kasalukuyang nasa custody ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Naitala ng pulisya ang pangyayari dakong ala-6 ng gabi habang naghahanda ng hapunan ang biktima at biglang pumasok ang kanyang anak.
Itinutok ni Mabel ang naputol na baril-barilan sa palaisdaan sa kanyang ina at sa hindi maipaliwanag na dahilan ay biglang pumutok kaya tinamaan sa katawan ang biktima.
Ayon pa sa pulisya, narinig naman ng mga kapitbahay ang putok kaya tinungo nila ang bahay ng mag-ina para usisain at nakitang nakabulagta ang biktima.
Mabilis namang isinugod sa ospital ang biktima, ngunit binawian na ng buhay. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended