^

Probinsiya

Hukom sinibak ng SC sa pangingikil

-
Sinibak sa puwesto ang isang hukom ng Bulacan Municipal Trial Court ng Korte Suprema makaraang mapatunayang nangikil ng P1-milyon sa dinidinig na kasong BP 22 noong 1999.

Sa 13-pahinang per curiam desisyon ng Supreme Court, dapat na sibakin sa puwesto si San Jose del Monte, Bulacan Municipal Trial Court Judge Ricardo Liwanag dahil sa pangingikil ng P1-milyon kay Perlita Avancena.

Base sa rekord ng Korte Suprema, humingi ng naturang halaga si Judge Liwanag kay Avancena kapalit para maipanalo ang kaso nito.

Hindi naman pumayag si Avancena na magbigay ng P1-milyon dahil sa aabot lamang sa P140,000 ang hindi niya nabayarang utang hanggang sa humantong sa pagbabanta ng hukom na itutuloy nito ang kaso.

Lalong naging matibay ang ebidensiya laban kay Judge Liwanag makaraang nagsagawa ng entrapment ang National Bureau of Investigation (NBI) pero hindi naman naaktuhan ang hukom.

Ginamit ding basehan ng Korte Suprema ang pagkaantala ng kaso ni Avencena sa sala ni Judge Liwanag.

Wala ring matatanggap na benepisyo si Judge Liwanag at hindi na maaaring pumasok pa sa alinmang sangay ng gobyerno.

Itinanggi naman ni Judge Liwanag ang lahat ng akusasyon ni Avencena laban sa kanya dahil natapos na ang hatol na ipalalabas niya. (Ulat ni Gemma Amargo)

AVANCENA

AVENCENA

BULACAN MUNICIPAL TRIAL COURT

BULACAN MUNICIPAL TRIAL COURT JUDGE RICARDO LIWANAG

GEMMA AMARGO

JUDGE LIWANAG

KORTE SUPREMA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PERLITA AVANCENA

SAN JOSE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with