Batay sa ulat ng pulisya, ang insidente ay naganap dakong alas 9:30 ng gabi.
Sa lakas ng pagsabog ay nasunog ang supply room na tinatayang umaabot sa halagang P500,000 ang halaga ng napinsala.
Hindi na inabutan ng mga nagrespondeng tauhan ng Bureau of Fire Protection ang mga suspek na mabilis na tumakas sa nasabing lugar.
Sa kasalukuyan, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad upang mabatid ang motibo ng mga suspek sa pagpapasabog ng naturang cell site na pinaniniwalaan ring may kinalaman sa pangingikil ng mga ito ng revolutionary tax. (Ulat ni Ed Casulla)