Barangay Chairman itinumba ng NPA
March 7, 2003 | 12:00am
CABANATUAN CITY, Nueva Ecija Dalawa-katao kabilang na ang barangay chairman ang iniulat na nasawi, samantala, tatlong iba pa ang malubhang nasugatan makaraang pagbabarilin ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) sa harap ng Barangay Camp Tinio Hall sa lungsod na ito kamakalawa ng gabi.
Duguang bumulagta ang mga biktimang sina Rolando "Jack" Pascual, 43, may asawa at Lilibeth Yebes, 33, may asawa ng Block 14, ng nabanggit na barangay.
Nakilala naman ang nasa kritikal na kondisyon na sina Rolando E. Pascual II, 20, binata; Jerome S. Macas, 16 at Myrna E. Camu, 52, may asawa ng Zone 2 ng naturang lugar.
Napag-alaman sa ulat ni P/Supt. Laverne Manangbao, chief of police ng Cabanatuan City, bandang alas-8 ng gabi nang lumabas ng barangay hall ang mga biktima nang biglang huminto ang kotseng kulay puti at bumaba ang apat na hindi kilalang armadong kalalakihan.
Hindi na nagsalita pa ang mga killer at kaagad na niratrat ang mga biktima.
Narekober naman ang kotseng inabandona na ginamit sa pagtakas sa Barangay Bakod-Bayan. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest