Misis todas sa adik

CAMP PANTALEON GARCIA, Cavite – Binaril at napatay ang isang 32-anyos na misis ng kanyang kapitbahay na notoryus at adik sa droga makaraang hindi makabayad sa ikinabit na jumper ng kuryente sa kanilang bahay sa Barangay Malagasang Dos-A, Imus, Cavite kahapon ng umaga.

Hindi na umabot ng buhay s a Our Lady of Pillar Hospital ang biktimang si Emilia Tahan, samantala, ang suspek na kaagad namang tumakas ay nakilalang si Eduardo "Edu" Sico at pinaniniwalaang namamahala sa mga jumper na ikinakabit sa kanyang kapitbahay na pinaniniwalaang hindi alam ng kinauukulan.

Base sa pagsisiyasat ni PO1 Jude Camitan, galit na nagtungo ang suspek sa bahay ng biktima bandang alas-siyete ng umaga para maningil ng utang sa jumper na ikinabit.

Nakiusap naman ang biktima kasama ang kanyang mister sa suspek na kinabukasan na lang magbayad, ngunit nagsisigaw na ang adik hanggang sa mauwi sa mainitang pagtatalo at pamamaslang sa misis. (Ulat ni Cristina G. Timbang)

Show comments